Rolando D. Calimlim, MSK Member
Mas me tsansya o oportunidad ang energy consumers sa circular na inilabas ni Sec. Petilla noong Hunyo 2015 kaysa mga kasunduang negosyo na itsepwera ang mga stakeholders tulad ng power producers, gobyerno, energy consumers at lipunan.
“Sweetheart deals” o “negotiated contract” ay dagdag pahirap para makamit ang makatarungan presyo ng koryente dahil sila sila o dalawang panig lang ang yumayari sa presyo at pagkatapos ay gagamitin at paiikutin ang ERC sa approval para pagtubuan ng labis ang energy consumers.
Sa Circular na ito ay mas lumaki ang puwang ng social rights ng mga stakeholders dahil kahit may irregularidad man maganap ay may batayan habulin sa batas. Hindi tulad ng ginagawa ng Meralco sa ngayon. Nakikipagkontrata sa mga kasundo o kakutsabang na power supplier sa presyong tiyak na pagpapayaman ng iilan kapalit ng libo-libong energy consumer na monopolyado ang “customer choice.”
Hanggat iisa ang Distribution Utilities sa lugar ng prankisado. Hindi makatarungan ang kawalan ng transparensiya, open bidding at representasyon ng end users sa prosesong nangyayari ngayon.
Kaya tama ang hakbang ng DOE-ERC na magkaroo ng mandatory CSP bilang panimulang makatarungan hakbang para sa energy consumers. Ang pagnnenegosyo ay nakapailalim sa panlipunang pananagutan.